23 August 2006

Simula na!

Sa minamahal naming fans ng Sugarfree,

Magandang bati sa inyong lahat. Nais kong ipaalam na magsisimula na ang recording ng pangatlong album ng Sugarfree sa susunod na buwan. Sa kasalukuyan, puspusang ine-ensayo ng banda ang labingdalawang bagong kanta. Ayon kay Ebe, ang ilan sa mga ito ay tinugtog na sa mga gig nila nitong nakaraan na buwan.

Magtatayo ako ng blog (http://sugarfreethirdalbumblog.blogspot.com) kung saan ako mag-uulat tungkol sa mga pangyayari at isyung bunga ng recording. Sisikapin din naming maging aktibo sa e-group na ito. At tuloy pa rin ang mga gig nila sa iba't-ibang lugar.

Umaasa kami sa inyong walang-sawang suporta sa banda.

Robin Rivera
Prodyuser